Pinoy na nahatulan sa droga ‘wag tulungan — solons

(Noel Abuel)
SOURCE: Abante TONITE December 12, 2011

Pag-aaksaya lamang ng oras at pera ng pamahalaan ang ibinibigay na tulong sa mga Filipinong nahatulan ng kaso kaugnay ng ilegal na droga kung kaya’t panahon nang tigilan ito.

Ayon kay Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento, tanging sa pagdinig ng kaso lamang dapat tumulong ang pamahalaan hinggil sa usa­pin ng ilegal na droga kung saan kapag naibaba na ang hatol ay dapat na umanong tumigil ang pamahalaan sa pagtulong.

Dagdag pa nito na sakaling mapatunayang sangkot sa pagtutulak ng bawal na gamot ang isang Filipino ay inilalagay nito sa kahihiyan ang Pilipinas.

“Once they are proven guilty and our government representatives believe the same thing, I think that we should stop spending a single cent for these people even if they are our countrymen. They bring us nothing but shame and a dark future for the millions of victims of the drugs that they distri­bute,” sabi pa ni Sarmiento.

Sinabi naman ni House committee on good government and public accountabi­lity chair at ILOILO REP. JERRY TRENAS na dapat mahigpit ang pamahalaan hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa sa paglaban sa ilegal na droga.

“Using public funds which has the effect of giving aid to drug traffickers runs counter with the campaign to win the war against illegal drugs. We should stand our ground and demonstrate our resolve completely stop this practice of using Filipinos as drug mules and we cannot do so if continue providing them support after the long hands of the law catches up with them,” giit pa ni Trenas.